Biyernes, Oktubre 25, 2013

Ngiti (TulangMakata)

Sadyang pag-ibig ay may dulot na kasiyahan,
Kasiyahang nag-iisa lamang ang dahilan.
Ang malagintong ngiti ng iyong napupusuan.
Na sa bawat segundo’y lagi kong tinitignan.
 
Hindi ko maalis ang mata ko sa kanya,
Dahil inaantay ko ang oras na ngingitisiya.
Ang ngiti niyang may kasunod pang tawa.
Tawa’t ngiti na sana’y lagi niyangdala-dala.
 
Ang gaan sa pakiramdam ‘pag tinititigan kosiya.
Tila humihiwalay ang katawan ko sa akingkalul’wa.
Para bang wala akong problema,
Dahil sa ngiti niyang may pa-isparks-isparkspa..
 
Hindi ko naman ninanais na mapasa-akinsiya,
Ang sa’kin lang naman ay lagi siyangmasaya;
Pero kung pagpalain man na makasama siya,
Hinding-hindi ko hahayaan na mawala ang mgaNGITI niya.

http://youtu.be/0OJpbfprVro